Monday, August 31, 2015

Rizal: Bayani man o hindi, maipagmamalaki ng ating lahi.

      Si Dr. Jose Rizal (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Bakit nga ba masasabing natatangi din siya? Dahil maliban sa pagiging doctor, mahusay din siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista. Nakakaunawa rin siya ng halos 22 na iba't ibang wika. 
      Ika-21 ng Hunyo taong 2015 , naisipan naming gawin ang lakbay-aral tungkol sa mga mahahalagang lugar ng ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal .
"Ngiting-positibo na parang hindi magkakaroon ng problema sa paglalakbay"
         Binigyan kami ng listahan ng mga mahahalagang lugar sa buhay ni Rizal ng aming guro. Dahil sa magkakalapit naman halos lahat ng mga ito ay napagkasunduan namin na unahin ang pinakamalayo pabalik sa malapit. 

         
"Ito ang orihinal na puntod ni Rizal bago inilipat sa Luneta" 
"Ngiting-Tagumpay sa una naming destinasyon."

         Una naming narating ay ang Paco Cemetery kung saan unang inilibing si Dr. Jose Rizal .Napansin ko na ang pagkakasulat sa initial niya ay pabaliktad na dapat JPR ay naging RPJ. Kala ko puntod ng yumaong si Fernando Poe ang napuntahan namin. Sabi sa mga nabasa ko, ang kapatid niya na si Narcisa ang may gawa nito. Siya ang naglagay ng pirasong bato na may nakaukit na RPJ para maging tanda niya kung saan nakalibing ang kanyang kapatid dahil nga hindi nilagyan ng mga kastila ng palatandaan ito sapagkat baka daw gamitin ng mga Pilipino sa pagrerebolusyon.



Sinunod na naming puntahan ang Luneta Park dahil medyo sumasama na ang panahon nang araw na iyon. Kasabay nito ang pagsama sa paningin ng bawat makakakita sa bantayog ni Dr. Jose Rizal dahil sa mataas na gusali sa likod nito o ang Torre De Manila na nakakasira ng imahe sa bawat larawang makukuha. Masakit man isipin na parang unti-unti nang binabaliwala ang monumento ni Rizal bagamat pwede naman i-edit at alisin ang Torre sa likod ay hindi pa rin magiging maayos sa makakakita sa personal lalo na sa mga turistang bumibisita.
"With bantay ni Rizal and friends from other country."



Dahil malapit nang pumatak ang ulan ay sinunod na naming puntahan ang National Musuem para may masilungan. Syempre biro lang, ito ay para puntahan ang Galery V kung saan nakalagay ang ilan sa mga nilikha at obra ni Dr. Jose Rizal.


"Pagdating sa Gallery V"

"San Pablo Ermitaño"

"Mother's Revenge"

"Oyang Dapitana made by 3 sculptor including Rizal"




                     "Nag-groupie muna kami sa hagdanan (dito daw unang umakyat si Rizal papuntang 2nd floor). "                                                     

      Paglabas ng Musuem ay maaliwalas na ang panahon. Dahil gutom at pagod na, kumain muna kami sa tabi-tabi na mga karinderia na malapit sa Intramuros. Pagkatapos ay sinunod na naming puntahan ang dalawang eskwelahan na pinasukan ni Dr. Jose Rizal nang siya'y nag-aaral pa.

                                   
                                                         
           Sa Ateneo De Manila nag-aral si Rizal mula 1872-1877. Sa edad na 11 na taong gulang ay nakapasok siya sa eskwelahang ito. Hindi siya nakapasa sa pagsusulit para makapasok at huli na rin siya sa patalaan at maliit para sa kanyang edad ngunit sa tulong na din ng kanyang kakilala na si Padre Burgos ay nakapag-aral siya dito. Sa unang pagkakataon, Rizal ang ginamit niyang apelyido at hindi Mercado.


           Medyo nahirapan kami sa paghahanap sa dating kinatatayuan ng Unibersidad ng Santo Tomas. Ngunit nawala ang pagod at hirap ng isa sa aking mga kasama ang sumigaw ng , " Ayun na ata eh". Tawanan ang lahat maliban sa akin dahil sanay na sa kanyang pagsasalita na batanguena . Hinanap nila yung na*** at halos umupo na sa kakatawa dahil sa kanilang narinig.
                                                              "Nakatayo na ang aking buhok dito dahil haggard na."

            Natagpuan din namin ang sunod niyang pinasukang paaralan. Dito sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Intramuros naging mag-aaral si Rizal mula 1887-1882. Kumuha siya ng Pilosopiya at Panitikan. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa mata (ophthalmologist) pagkatapos malaman na ang kanyang ina ay tinubuan ng katarata.  


                                                                                        "Arrival at Fort Santiago"




           Sa Fort Santiago ikinulong si Rizal pagtapos litisin sa salang rebelyon o pag-aalsa, sedisyon, at konspirasyon o pagbuo ng mga samahang ilegal. Makikita sa mga larawan ang kanyang naging kulungan at ang mga yapak nito patungo sa lugar kung saan siya hahatulan. Mapapansin na maiiksi ang hakbang ni Rizal dahil sinusulit na niya ang kanyang mga huling araw dito sa lupa. 

              Isa sa mga mahirap hanapin ay ang lugar kung saan nilitis si Dr. Jose Rizal na matatagpuan sa Cuartel de España. 

                                            "Umupo muna kami at nanonood ng maiksing kwento ng buhay ni Rizal"


           Dito matatagpuan ang lugar kung saan nilitis si Rizal sa kasong rebelyon, sedisyon at konspirasyon. Makikita sa larawan sa taas kung paano lilitisin ang kaso ng isang nasasakdal noon. Nakaupo at kalmado si Rizal habang binabasa ang mga kasong isinampa laban sa kanya. Sa kanan naman niya ay ang mga miyembro ng mga magdedesisyon sa kung anong klaseng paghahatol ang gagawin. Nasa likod naman ni Rizal ang kanyang tagapagtanggol o abogado kasama ang ilan sa kamag-anak niya.

 

             Makikita rin sa gusaling ito ang mga ginamit ni Rizal sa panggagamot at ilan sa mga replika ng mga aklat na kanyang isinulat (ang mga orihinal ay nasa National Musuem).


             Paglabas namin sa gusaling ito upang pumunta na sa huling destinasyon ay mga nag-aalok na sumakay kami ng kalesa. Ngunit mas pinili naming maglakad na lamang hindi dahil para makatipid ngunit dahil mas masaya ito. Ang huli naming pinuntahan ay ang tahanan ni Higino Francisco sa Binondo, Manila. Sa bahay na ito unang inilagay ang katawan ni Dr. Jose Rizal matapos hukayin mula sa Paco Cemetery, patungong Luneta. Sinasabing ditp rin unang itinago ang orihinal na sipi ng Noli Me Tangere,



     Sa lahat ng aming napuntahan ay ito ang pinakamahirap hanapin dahil sa wala na mismo sa kinatatayuan ang tahanan ni Higino Francisco. Tanging markang ekis na lang ang makikita sa poste ang nagpapatunay na  doon siya nakatayo. Sabi ng nakatira malapit doon ay inilipat na daw ito dahil may nakabili na ng lote at pagtatayuan ng bagong gusali. 

      Masaya ako na nagkaroon kami ng ganitong klaseng paglalakbay. Narating ko na ang mga lugar na hindi ko pa napupuntahan kasama ang aking mga bagong kaibigan at may napulot akong bagong aral tungkol sa buhay ng ating pambansang bayani. 

"Kahit sino ang hiranging pambansang bayani, ang mahalaga ay mayroong pagmamahal at respeto sa ating kapwa at maging sa ating sariling bansa."

"Friends that travels together, those memories will stay forever."

1 comment:

  1. NJKWWQBKDLHBWEJHKRQWHJEODWOEJNDIJKASDCQKLWEDXWOIASDXHOIWKLMSCLIILwkmq aedxnqawisdxjkew8sodiucueriydsjdsoqwiamsyxiejamssuizkAIYA89OZKJKAIIDKXMNBUDISIZKMSX

    ReplyDelete